Thursday, October 2, 2008

Great Pretenders

I have nothing against kaBAKLAan. Minsan pinag-iisipan ko kung sa aking past life BAKLA ako kasi I admit na babaeng-bakla ako sa pananalita and not only that I have somewhat gay influences in my writing terminologies. If may personal dictionary ako, it can be noticed na it is adulterated with gay lingos. Sa mga postings ko pag kabaklaan na at bakla na ang dating ko mabenta.
It's fun to be with the Achengs. I am very fond of them, never a dull moment kaya kahit na may kabaduyan at jologs ang mga lukaret ayos lang. Sa parties, sa shows at gigs they can easily be noticed because they are laud individuals. Maiingay, makukulit, sabihin na nating papansin sila pero okay lang at least sa hirap ng buhay nakakangiti at tawa tayo ng libre because of them. Contageous ang kanilang ipinapakitang kasiyahan.
As far as I know there are different kinds of gays, variety sila kung tutuusin. I dont have the time and the files to research into this but there one kind I have in my mind that is bugging. They are the great pretenders. I hate these CLOSET QUEENS. They are liars and deceivers. They are on the quest of deceiving the whole world. Though they know deep inside who they really are but they are doing their best to put on this mask. Niloloko ang sarili, ang mga kaibigan pati ang sariling pamilya.
Ako bilang babae, isang malaking insulto na ang karibal mo sa taong akala mo lalake na minahal mo ng buong puso at kaluluwa ay isa ring lalake. Mas madali pang tanggapin na babae siguro may nakitang mas doon sa third party. But in this case na madiscover mo na ang boyfriend mo o asawa should I say ay may ibang personality at dinadaya ka...my oh my this is so damn devastating. Napakasakit, kuya!

Hindi ko pa naman nararanasang matanso kasi when it comes to detecting dahil malakas ang pang-amoy ko at higit sa lahat I am pretty smart (ang yabang) at isa pa bakla rin ako...lols!
So in relation to this gumawa ako ng sariling checklist derived from observing people na mula't mula pa pinagduduhan ko nang berde ang dugo(ahahahahaaaaaaaaaaay!).

Dedicated ito sa lahat ng aking mga ka-SISTERan para hindi sila maloko.



BAKLA ANG PAPA MO KUNG......



---mas matagal siyang maligo kesa sa iyo

Kung ikaw 30 minutes lang sa loob ng banyo solved ka na
ang bakla inaabot ng isa hanggang dalawang oras( humahaba na ang varicose veins mo sa paa sa kakahintay)hindi pa lumalabas.



---apat hanggang lima ang klase ng sabon niya

kung ikaw...loyal ka sa paborito mong Perla soap kahit naglabas na ng manufacturer ng kulay pink dun ka pa rin sa white variant...check mo si Papa if gumagamit ng kulay puti(milk soap), orange(papaya) pink (guava) transparent brown, green at kung anu-ano pang kulay kaya rainbow na ang kulay ng soapdish nya dahil mga tunaw na sabon he previously used.


---mahuhulihan mo siya ng lalake

na nanonood ng TV sa loob ng kwarto(o kaya sala) na naka-topless at pawis na pawis
instead na babaeng nagpupulot ng underwears sa sahig.



---hinahanap niya(o kinukumusta) ang Masculados

pati Barako Boys at Viva Hot Men at kung sinu-sino pang male groups na wala na sa sirkulasyon as if feeling close---(di ba dapat ikaw ang mas naghahanap sa kanila?)


---instead na mga babaeng naghehello ang mga "bulaklak"

mga nude photos ng mga kaPAPAHAN ang makikita mong naka-instore sa My Pictures files ng computer niya (at worse picture niya mismo na ipinagkakalat niya sa internet!)


---mas madalas siyang mag shopping kesa sa iyo

...at say mo updated kung kelan at saan ang MIDNIGHT SALES


---sa panonood ninyong dalawa ng Horror Movies mas malakas at madalas pa siyang nagtitili kesa sa iyo



---sa pagtawid sa intersection, mas takot siyang masagasaan/mabundol kesa sa iyo

nagtataka ka nawala siyang bigla sa tabi mo yun pala nasa kabilang side na siya, nakatawid na at iniwan ka


---may pelikula si Sharon Cuneta, first day palang nakapanood na siya

unahan ka ba naman ng bakla! wahahahahaah!
(no offense to all Sharonian, this is a fact! malaking bahagi ng taga-hanga ni Ate Shawie ....badingers!
Ang aking hairstylist sa parlor big Sharon fan! hehehe)


---nakasalubong nyo si Judy Ann Santos o kaya si Jolina Magdangal sa mall natataranta siya




---sa shopping galore ninyo and he is about to choose his polo-shirt mas type niya ang kulay ang kulay pink, peach at lavender na favorite colors mo din



---backbiter siya

may kasabihan nga tayo na pag ang lalake pumapatol sa babae---bading!
may bading na maprinsipyo...lumalaban kung tama siya
pero may mga bading na bahag ang buntot they do have balls pero nakaurong
it means duwag, avoids confrontations
(kung magkakaroon man nang confrontations kundi may kakampi may padrino)

so pag nakabasa ka ng texts na bumira siya ng paninira,nanlalait o nang-iinsulto ng ating kabaro na girlalush ganito ang gawin mo
--makipagkita ka sa PAPA mo at
--bigyan mo ng isang matinding UPPER CUT

hindi kasalanang mag ala-Manny Paquiao ka this time
kasi ibig sabihin...
natanso ka...
niloloko ka lang nya...ginamit ka lang
para pagtakpan ang kaBAKLAan niya
DUMP him right away
Wag mong iyakan
He is not worth a single tear!

No comments: